
Sa gitna ng Pandemya naging malaking hamon sa karamihang negosyante ang mamuhunan at magbigay ng de-kalidad na mga produkto. Ang karagdagang water refilling station ay magbibigay na abot-kayang tubig na maiinom.
“Kami ay nagpapasalamat sa aming barangay kapitan Ponciano Pingol, sa Masagana Home Subdivision Phase 1 Home Owner’s Association, sa bayan ng Guiguinto at sa mga ahensyang pumapaloob sa pagproseso ng negosyo. Habang tayo ay nakakaranas ng pagbaha sa mga karatig lugar, naging mabilis ang pagpasa ng mga dokumento. Naiintindihan namin na malaking hakbang sa mga negosyante ang mamuhunan at ngayon ay magbayad ng mga buwis ngunit ito ay aming dinadalangin na maging sapat upang makpaglingkod din sa aming mga kliyente, na magkaroon sila ng kapantagan na ang aming establisyamento ay pumasa sa mga alituntunin”, saad ni Jeoff Solas.
Jeoff Solas ay kamakailan napili rin ng Google bilang isa sa negsyo sa Pilipinas na “inclusive” o “Safe Space”.
Patuloy nating suportahan ang mga maliliit na negosyo na ang layon ay makapagbigay ng trabaho sa ating komunidad, at de-kalidad na mga produkto at serbisyo.
